Dear, World. Love, Jenny.

Jedi thoughts, MD diaries and Random geekiness

ESTUDYANTE BLUES! — December 28, 2008

ESTUDYANTE BLUES!

Nakapulot ako ng piece of paper habang nagpapaexam ako sa biochem.

Ang nakasulat: “paarog ikan #2 mo parihas kita nakita ko isayad mo sana….Riz kadi”

Translation: pakopya ng #2 mo, parehas tayo nakita ko, isayad mo lang…Riz ‘to.

Hindi ko alam kung anong klaseng reaction gagawin ko nung nabasa ko nakasulat sa napulot kong papel — kung matatawa ba ‘ko, magtatanong kung sino si Riz o kung anong klaseng code ba yun, o dedma na lang?

Tinago ko ang papel. Ipinakita ko sa nanay ko este sa OSA Coordinator. Hindi kagandahan ang reaksiyon niya. At base sa nakita at narinig ko mula sa student affairs coordinator, lumabas ang totoong reaksiyon ko sa nangyari at sa napulot kong papel —- humagalpak ako ng tawa. Ewan ko. Hindi ko alam bakit ako natawa. Naisip ko mga estudyante ko, at kung gaano sila kadesperado pumasa. Ahahaha…kahit nakakainis din talaga ng sobra (dahil hindi ko tinotolerate ang panggagaya) ewan ko, pero talagang natawa ako.

Pero naisip ko din, unfair! Ahaha. Ugh! Sa UP naming mahal pamantasang hirang kasi, numero uno sa ipinagbabawal, as in mortal sin ang cheating, whatever form pwede ka maexpel….kaya hindi ako nakakopya nung ako ay nasa kolehiyo…one seat apart na, set A ang exam mo, set B naman sa mga katabi mo, saklap di ba? Ahaha. Kaya kung kokopya ang mga estudyante ko, eh nadugasan na nila ko, wala pa sila natutunan, hmph! Asar. Grr…

Napaisip lang din ako. Iba na nga pala ang mundo ko, para akong lumipat ng planeta. Parang other side of the galaxy…isa na nga pala akong master jedi ngayon. Ugh! Whatever. Ahaha… pero seryoso, iba ang mundo ko ngayon, mahirap ang tasks, mahirap magturo, mahirap magimpluwensiya ng bigtime, mahirap kahit subukang mag-inspire, mahirap magmotivate, mahirap piliting wag maging boring kahit masama pakiramdam mo o may dinaramdam talaga, mahirap magsalita maghapon ng hindi nagkakasore throat, mahirap magpaliwanag ng mga bagay-bagay sayantipiko man o kadramahan o katotohanan o kalokohan, mahirap magadjust sa bawat individual differences ng lahat ng estudyante, mahirap umiwas sa tentasyon, mahirap magbehave sa lahat ng oras, mahirap ang maraming nakatingin at pumupuna, mahirap ang napapagod sa pag-aaral ng ituturo halos araw-araw, mahirap ang napakatagal matanggap ang kakarampot na suweldo, mahirap talaga, mahirap at magastos kumuha ng lisensyang magturo, oo, mahirap talagang maging guro….

Tapos…tapos?!! Kokopyahin mo lang ang number two ng kaklase mo??! Gaano ba kahirap ang mangopya at kinailangan mo pang magpass ng note na ‘to at magsilbing ebidensiya? Gaano ba kahirap mag-aral para di mo na kailangang mangopya? Gaano ba kahirap magkaroon ng hiya at respeto sa iyong guro na wag mong gawin ‘yan? Gaano na ba kamahal ang disiplina ngayon at wala na atang bumibili sa inyo? Kung anumang munting bagay na ginawa o nakasanayan mo sa kolehiyo at habang nag-aaral, dadalhin mo ‘yan hanggang sa magtrabaho ka na, bata…kung sino man si Riz, wala na akong pakialam. This goes to all my students and other students who happen to read this post. I don’t want to sound like a self-righteous freak but I hope you get my point. Aral na lang tayong mabuti, kiddo. Ok?

At pwede ba, sa susunod, kung mag-iiwan ka lang din ng ebidensiya, pakisulat na lang ang buong pangalan mo, pakilagyan ng signature, right thumb mark, at pati na rin 1×1 picture mo para mas astig! Hmmmp.

7 Responses to “ESTUDYANTE BLUES!”

*elai (December 27th, 2008 1:34 am)
…mahirap magadjust sa bawat individual differences ng lahat ng estudyante, MAHIRAP UMIWAS SA TENTASYON, mahirap magbehave sa lahat ng oras,…….
hmm! anong klaseng tentasyon to, mam jen??
ahaha!
‘ugh’ i dont want to talk to you anymore! you’re a teacher. teacher ka na. teacher ka na. teacher ka na nga talaga!!! hahaha! :p

*maj (December 27th, 2008 2:08 am)
nice!! hahah! i like this post! ang galing mo ate jen! saludo ako sayo…

*queEnbEe (December 30th, 2008 9:54 pm)
haha!ktwa..nys1 mdam..hmmm.. hnd k nmn ngging “self-righteous freak”..cool nga eh..ur doin’ d ryt thing mdam..ahihi..
nu kya ang reaction nung riza kung skaling mbasa nya toh?!..sikat n xa!hahah..kidding..

*pricelesspreciousprincess (January 5th, 2009 3:50 am)
..great. love this post. mejo relate ang hamak na teacher-teacheran na tulad ko.
isa lang yan sa sangkatutak na “katarantaduhang kopyahan” ng mga studyante. hmp.

*the-fool (January 20th, 2009 11:21 pm)
harharhar! this is one way of getting back at them…posting the evidence… nice jen!

*arjay (March 22nd, 2009 1:25 am)
hehehe… scary little teacher… hahaha… buti nlng wala sa vocabulary ko ang cheating… khit walang masagot basta di nangopya… khit ba nagkokopyahan na katabi ko… iba tlga pag UP hahha…
heheh love this post… so cool… parang kay bob ong… sorry for the comparison po…
PS. Sbucks ko teh? hehehe

*rose (March 24th, 2009 4:43 am)
hi jen! hahaha. i didnt know that such a careless act as that could trigger a deeply melodramatic response from a teacher. ganun kaya tlg nararamdaman ng mga guro? hahaha.
well, ive had my share of it, high school days. its just that i didnt take it very seriously. like duh! hahaha. does it really matter to you?
yeah, UP days. then again, why compare it?

AY ANG BOLPEN — October 22, 2008

AY ANG BOLPEN

Sa dinami-dami ng tsinetsekan ko, bakit ngayon pa nagtae ang bolpen ko.

Hay naku, wala ng ibang bolpen na iba dito puro mongol # 2 at jumbo mongol lang. Wah. Hmmp.

Nung bata ako….hmmp…uh, sinubukan kong sipsipin ang dulo ng bolpen (ahahaha). Sabi kse ng kaklase ko, ganun daw gawin ko para tumigil pagtatae. Ay gudlak. Di naman natigil. Sipsip lang ako ng sipsip. Wala akong pakialam nun kung nakakalason ba yun (ni hindi nga sumagi sa utak ko ‘yun hahaha), mas inisip ko kung pano titigil ang pagtatae ng bolpen ko. Hmmp….

Pero may natutunan ako dun…

3. wag maniwala sa kaklase ng basta-basta lang. minsan, kahit di namamalayan, ikaw ay maaaring mapahamak….hahaha.

2. ganun din, wag uto-uto. Ang gustong magtae ay magtatae. (wag ka umepal at mangsipsip ng nagtatae).

1. mas masarap po ang blue ink kesa red ink kesa black… J

One Response to “AY ANG BOLPEN”

*elai (October 27th, 2008 2:46 am)
hahaha! ginawa ko din yan! pero feeling ko pare-parehas lang lasa ng tatlong ink. pano ko nalaman? hindi ko talaga alam, kulay itim lang natikman ko. ahaha. feeling ko lang nga. ilang beses ko din ginawa un. tama ka. wala ngang nagyari sa bolpen. nangitim lang dila ko. kalokohan! ahahaha!

MISS KO LANG KAYO… — October 10, 2008

MISS KO LANG KAYO…

Sa gitna ng lahat ng kangaragan at kapapapelan (as in papers, test papers to be specific), bigla kong namiss ang mundo. Namiss ko ang buhay ko na maraming tulog at pahinga. Namiss ko ang maraming oras na puwede kong igugol sa pagguhit, pagsulat, pagtunganga, pagtext, at pagtunganga ulit at pagtunganga pa rin sa lahat ng pwedeng tungangaan. (para akong tanga. Pag ang tanga tumunganga, anong tawag dun? Eh di tanganga as in tanga nga!) :p

Ahaha.

Hmm… sa mga pagkakataong ganito na nangangarag ako, ano kaya ginagawa ng mga kaibigan ko sa mga trabaho nila..…sa UP, sa Australia, sa call center, sa planta, sa ospital, sa kung anu-anong kumpanya…anong ginagawa niyo?? Di kaya habang sinusulat ko ‘to eh nagkakape na naman kayo (3in1 kung wala na namang pera o nasa starbucks o Figaro o Gloria jean’s o kung saang kakapehan na naman kayo?)…di kaya sinusunog niyo ngayon ang mga baga niyo sa yosing noon pa ma’y di na talaga magawang lubayan ( dj mix, Capri, o si pareng Marlboro ba?)….di kaya ay nagtatrabaho din kayo ngayon at kaliwa’t kanan ang pagmumura niyo dahil sa dami ng gagawing trabaho o umepal ang katrabaho mo o bad mood si boss o puno ng kabobohan na naman ang mundo (antagal ko ng di nakakarinig ng malulutong na tae mo o shit o paking shet o pukineneng mo o bitch o darn o muddafuckingshit!).

Ooops.

Teka lang. Hindi tambay ang mga kaibigan ko. Hindi rin sila masasamang tao. Hindi rin lang puro bisyo. Nagkataon lang na ‘yun ang naalala ko ngayon, ang kape, ang mura, ang yosi — ang kanilang mga pagkakatotoo. Matatalinong tao ang mga kaibigan ko, minsan kung iisipin, wala akong panama sa I.Q. level ng mga yun (ahahaha). Masasayahing tao din sila, daming kulit, daming tawa, di mo alam minsan kung saan nila hinuhugot ang humor nila, pero wala ng sasaya pa pag humirit na sila. Hirit dito, hirit dun. Sarcasm dito, sarcasm doon. Nakakamiss ang mga taong masarap kausap, ang mga may sense kausap. Kahit balahuraan eh alam mo pa rin na wala ka sa jologs level o plain tsismisan lang. In short, dito kasi sa mundong ginagalawan ko, siguro ay limang tao pa lang ang namimeet ko na pwede kong sabihin na ka-wavelength ko. Siguro tingin ng iba dito sakin ay napakagulong weird na bata (ahahaha)….Dont get me wrong, Im also having fun with the people around me here, kaso nga lang, ako ang nag-aadjust para sa kanila, so I’d fit in the crowd. No choice ako, iba nga kasi ang kultura nila, ako ang bagong salta, ako ang mag-adjust. Tama? Kaya ko namimiss ng sobra ang mga kaibigan ko, gusto kong maranasan ulit na ako ang tatawa at hindi ako ang magpapatawa. Ako ang kinukulit at hindi ako lang ang nangungulit. Namimiss ko ang mga usapang seryoso at deep. Ang mga taong profound pero cool….

Minsan nagtext ako sa mga taong nakilala ko dito, isang text message na tungkol sa kung anu-ano lang napansin ko sa mundo…makulit na pagkakasabi pero emo yung text, at wey! yung limang yun din lang ang naka-appreciate ng message ko. Yung iba, dedma (alam ko binasa nila, smirked, then deleted the message)…yung iba hindi dedma (nagreply, and the message was: hey, are you sick or something? :p)…..hay! Ahahaha.

Hay naku. Bigla ko talaga namiss ang mga taong katambay ko noon kina mang mon, sa sunken garden, sa isawan sa may ilang-ilang dorm, sa may itlugan, sa lab nina peaches, sa entrance ng chem at sa lobby ng nsri….siguro dahil yung mga lugar na yun ang aking comfort zones…ewan…lumipas na rin kasi ang panahon…nagkahiwa-hiwalay na dahil kailangang magtrabaho. Yung iba nagpamilya, yung iba nag-abroad, ako, lumipat ng planeta.

Hay. Uhm, pwedeng manawagan? Ahaha. Alam ko marami na kayong pera ngayon pang load, ung iba post paid pa…ahaha… Text niyo kaya ako? o kaya email nyo ko, dati pa din naman email at number/s ko eh…. Ugh! Wala lang. NAMISS KO LANG KAYO, oo kayo, mga dati kong kaibigan, mga dating kaasaran, kasabay mag-lunch, magsnacks, magbreakfast, magdinner, magisaw, magkape at magyosi (ay naku, taga-langhap lang ako ng usok, di ako nagyoyosi!)…sige na, email o text niyo ko…wala lang, kuwentuhan lang, katulad ng dati…namimiss ko lang kayo, kahit napakabusy na ng mundo…namimiss ko talaga kayo, pati na ang flyover at footbridge at overpass, ang mga paborito ko dyang kinakainan, ang mall, ang mrt, ang stoplight, ang mga tinatambayan sa may philcoa, ang mga epal at kups sa kung saan-saan, ang footlong, squidballs, fishballs, at kwek-kwek kina mang mer, ang liempo at sisig sa mang jimmy’s, hay ang buong UP, ang dati kong mundo….

Hay naku. Tama na. Dalawang taon na rin akong nasa ibang planeta…Andaya ng mundo…(hahaha)…pinaglayo-layo tayo…hay…hmp…Hayaan niyo, minsan pupunta ako sa dati kong mundo….kitakits na lang tayo.

3 Responses to “MISS KO LANG KAYO…”

1. star-child (October 18th, 2008 4:23 pm)

Friend, miss na rin kita!!!! Iba talaga no???? Hehehehe. Magmultiply ka kse, hehehehe. Mas madalas ako magpost dun e. Hehehehe.

2. Annie (January 25th, 2009 5:13 pm)

Oist!..hehe..kakamiss nga..haayyyyy…buhay..ang tanda n ntin!..wala na tayo s wonderland at lumaki n din ang mga kalaro at kaibigan natin :(..haayyy..

3. rose (March 24th, 2009 5:55 am)

huy jen, miss ko rin ang mga pinagsasabi mo…

MUKHA KANG BUTTBUTT. HAHA! — October 7, 2008

MUKHA KANG BUTTBUTT. HAHA!

I met you in the virtual world. And that world showed me that you are a good painter. And that you’re a very good writer, too. I left a comment on your painting. I said “nice one”…. And I texted you about your article….i said “nice one” again…..ahahaha…..naaaaayyssssssss. :p

Bob Ong. Siya ang salarin. We both love his humor and his hilarious shit [as in tae, ahaha]…I told you he’s my drinking buddy, and you just laughed about it…. And from then on, you started asking me stupid questions which I tried really hard to answer in a more-silly-but-would-make-senseanswers…that was also the start of ME eating corny jokes for breakfast or snacks or lunch and merienda and dinner….how could you throw me those jokes….they were really silly. No, they’re not silly, they’re really corny as in KORNI…but yeah, natawa ako, hindi dahil nakakatawa siya, kundi dahil ang korni niya!!!! But hmmm, you said you just wanted to cheer me up…well, thanks, you did brighten up my toxic days in your own corny way. Hahaha…..

Butthead. You are.

Ahaha…

Beavis and butthead. They were my favorite MTV icons before. And you didn’t know about them ‘til you found that “pantangang” book. Ulukon ka baya? Haha…. And yeah from then on, I am beavis and you’re buttbutt este butthead. :p Simple lang kung bakit. Kasi para tayong mga tanga. Haha. Nonsense ang text messages, but hey, we may talk like crank, but we speak like our english teachers would give us an A+. Ahahaha….inda ka. Basta ka man dyan, buttbutt! Ahaha.

Then butthead decided to pretend that he’s not silly anymore and became a padawan…ooh, butthead became a very good apprentice….he did everything the master jedi asked him to do… the master made him write and write and write essays, and he got an A+, too… And butthead the jedi’s favorite lesson that he learned from the master was, “hey, buttbutt it’s not lip sing, its lip synch”. Hahahaha…

And then butthead became a different person… buttbutt became mushy. [what the hell happened?! Ahahaha]… yeah…………nice one…..but that’s a different story….i’ll tell you about it next time…. Ciao! :p

mushy mailbox — August 30, 2008

mushy mailbox

How are you today?

I miss those days that I wouldn’t ask you that question…those days where I’ll just go to that secret place, open the secret mailbox and I’d know how you’ve been…nalalaman ko din lahat ng gusto mong sabihin sa mundo, sa akin….I really don’t know why you suddenly stopped visiting that place…uh, can I ask why?

I’ve been thinking about that mailbox everytime i go on-line…but I don’t really go there anymore..i know I’ll just get the same old letters…magmumukha lang akong bata na umaasa na makatanggap ng sorpresa na hindi naman dumarating…..at hala, hindi ko na maalala ang letter-and-character combinations para mabuksan ko ang mailbox.…Ano ba namang utak ‘to…..kasi, kasi……

I won’t ask you to visit that place anymore…hindi naman din siguro mangangalawang ang mailbox na yun…jedi days are over, and the mailbox goes with them… It’s ok… I can always ask you or send a how-are-you-today sms everyday… thanks for that il-mare-kind-of-mailbox… thanks. Really…