Dear, World. Love, Jenny.

Jedi thoughts, MD diaries and Random geekiness

AKO SI ULAN — January 16, 2011

AKO SI ULAN


umuulan na naman. pero hindi malungkot ang pagkakasabi ko niyan. naaalala ko lang na palagi mo sinasabi sa akin na ako si Ulan. Pa’no nga ba naman kasi, sa bawat pagkakataon dati na pupuntahan kita, kahit gaano pa katindi ang sikat ng araw, pagdating na pagdating ko umuulan…naaalala ko rin ang pagkakataong bigla ka magtitext na “malapit ka na makadating dito noh?” at magtataka ako pa’no mo alam na paparating na nga pala ako….at pagkatapos susundan mo ng mensahe na “nagsisimula na kasi umulan bigla dito eh”.

natutuwa ako sa mga ganung pagkakataon. natutuwa rin ako sa ilang beses na aayain kita maglakad habang umaambon o umuulan, at pinapayagan mo ko. tapos hindi tayo nagkakasakit pagkatapos ng pagtakbo-takbo at pagtatampisaw sa tubig-ulan na sinalo ng daan. nakakatuwa na para tayong mga bata, na natutuwa kahit nababasa, at pagtatawanan natin ang isa’t isa dahil nanginginig tayo sa lamig at hindi natin alam kung papano gagawin para malabanan ang ginaw. sisigaw, tatawa, magsisiksikan, tatawa ulet, hahanap ng makakainan para makahigop ng mainit na sabaw o magkakape.

mahal ko ang ulan. at pinakamamahal kita. bumubuhos ang ulan ngayon halos araw-araw. bumubuhos din ang pagmamahal ko sayo sa bawat araw ng buhay ko. kailanman hanggat nandito ang mundo, alam kong nariyan ang ulan….kailanman, hanggat tumitibok ang puso ko, andyan ang pagmamahal ko sa’yo.

ulan. ako si ulan.

—————————————————————————
salamat sa litrato mo:
Their Sad Story — January 10, 2011

Their Sad Story

I’ve heard of great love stories. and i’ve heard some of it coming to an end. Not because fire went out. But because of a CHOICE.

One may choose to give it up because of another priority.
So the other one who gets left behind would feel like he’s stabbed repeatedly: Because obviously, he wasn’t the priority. Or his partner didn’t choose him — like fighting for love no matter what, wasn’t the choice.
And i think this kind of thing is CRAP. and painful. and cowardly.
———————————————————————————-
this goes to all those who have been a sacrificial lamb in their love stories. may you find great or greater love. may you have strength to go on and love again.
Love Is. — December 12, 2010
Umay —

Umay

Bakit ba ko nagising ng alas twelve o’five am?!

Nakanampuch! Ganito pala kasakit sa ulo pag halos kakatulog mo pa lang, ay magigising ka na agad. Alanganing pakiramdam [gising na tulog na hindi] sa alanganing oras [gabi na umaga na parang umaga pero gabing-gabi pa]. Ugh!

KAUMAY!


Una,dahil di natulog ang internet dito sa telepono ko. Takbo ng takbo, naiwan kong ganun ang trip niya. Kaumay. Parang taxi eh. Pumapatak ang metro habang tumatakbo sa ibang mundo. Ugh. Gudlak na naman sa babayarang walang sukli, kuya!


Pangalawa, kung anu-ano pa ang nakita, nabasa, napuntahan ko dito. Nalaman ko pa tuloy na gusto din nila ang kantang gusto namin. Haruuu. Kaya wag na lang,umay, ayoko na lang sa kantang yun. Ayus lang, yung kanta hahayaan ko na. Ang kupal ko naman kung pagiinartehan ko pa yun, pwde namang ayawan na lang.haha. Pero sana naman di na sila sumabay sa araw namin. May halos tatlumpo pa din namang pagpipilian ah? Pwde din naman maging astig ang ibang araw, o kakaiba din dahil inuulan o kumikidlat o binibisita din cguro ng kabilugan ng buwan. mga ganun ba, mga ts0ng? bakit sumabay-sabay pa? Motto niyo ba ang the more the merrier? Pasko lang alam kong merry eh. Wala akong alam na merrier. Peste ka, jen.haha. Ah peste pala ha? Then i’ll say more!


Pangatlo, ayus biglang napa-blog ang mga tao! Ansaya kung ganon,di ba? Pero nakanampuch naman o. Sumakit ang kilay ko dun ah. Okay na sana. Tamang desisyon na nanagalog siya, at least di na mauulit ang karaniwang nangyayari pag nagsusulat siya gamit ang salitang banyaga. Pero anuba! Sumakit talaga ang bawat hibla ng kilay ko. Mahaba-haba ang sinulat. Pero walang punto. Walang pinapatunguhan. Walang pagkakasunod2 ang mga kaisipan. At wag ka, basta lang din natapos ang post. Para lang akong sumakay sa roller coaster at hinagis pababa dahil tapos na ang ride. Lupet! Sabi ko nga. Ang pagsisisi ay laging nasa huli. Sana di na lang ako nag rollercoaster ride na masimut!


Hay! Ano? Sige. Sabihin mo ng mayabang ako. o maangas. o masama ugali ko. Eh di sige, sabihin mo. Pakain ko sayo umay ko. Sawsaw natin sa sabaw. O kape. O ketchup. O toyo, o suka. Gusto mo patis? mantika? Bagoong? O Malapot na gravy. O di kaya, wasabi? O ayan,tikman nyo ang post na basta lang natapos. Anong lasa? Pakla di ba?


______________________________________________________

Comments on this post thru facebook:


  • Rose Gogolin LOL! Ooops, di sya funny pero natawa ako sa yo Jen. Ako dn alanganin ang gising kaya nag almusal nlng. Gusto mo kape? O Milo kaya? Sino ba tong maangas na tao n palagay ko ay closet admirer mo lamang? See u soon arbo!
    Yesterday at 12:35am · Like
  • Damn-Me More Natawa ako. Hahaha. Namiss tuloy kita. Gusto ko yung Pangalawa. Hahaha.
    22 hours ago · Like
Sabaw — December 8, 2010