Sa gitna ng lahat ng kangaragan at kapapapelan (as in papers, test papers to be specific), bigla kong namiss ang mundo. Namiss ko ang buhay ko na maraming tulog at pahinga. Namiss ko ang maraming oras na puwede kong igugol sa pagguhit, pagsulat, pagtunganga, pagtext, at pagtunganga ulit at pagtunganga pa rin sa lahat ng pwedeng tungangaan. (para akong tanga. Pag ang tanga tumunganga, anong tawag dun? Eh di tanganga as in tanga nga!) :p
Ahaha.
Hmm… sa mga pagkakataong ganito na nangangarag ako, ano kaya ginagawa ng mga kaibigan ko sa mga trabaho nila..…sa UP, sa Australia, sa call center, sa planta, sa ospital, sa kung anu-anong kumpanya…anong ginagawa niyo?? Di kaya habang sinusulat ko ‘to eh nagkakape na naman kayo (3in1 kung wala na namang pera o nasa starbucks o Figaro o Gloria jean’s o kung saang kakapehan na naman kayo?)…di kaya sinusunog niyo ngayon ang mga baga niyo sa yosing noon pa ma’y di na talaga magawang lubayan ( dj mix, Capri, o si pareng Marlboro ba?)….di kaya ay nagtatrabaho din kayo ngayon at kaliwa’t kanan ang pagmumura niyo dahil sa dami ng gagawing trabaho o umepal ang katrabaho mo o bad mood si boss o puno ng kabobohan na naman ang mundo (antagal ko ng di nakakarinig ng malulutong na tae mo o shit o paking shet o pukineneng mo o bitch o darn o muddafuckingshit!).
Ooops.
Teka lang. Hindi tambay ang mga kaibigan ko. Hindi rin sila masasamang tao. Hindi rin lang puro bisyo. Nagkataon lang na ‘yun ang naalala ko ngayon, ang kape, ang mura, ang yosi — ang kanilang mga pagkakatotoo. Matatalinong tao ang mga kaibigan ko, minsan kung iisipin, wala akong panama sa I.Q. level ng mga yun (ahahaha). Masasayahing tao din sila, daming kulit, daming tawa, di mo alam minsan kung saan nila hinuhugot ang humor nila, pero wala ng sasaya pa pag humirit na sila. Hirit dito, hirit dun. Sarcasm dito, sarcasm doon. Nakakamiss ang mga taong masarap kausap, ang mga may sense kausap. Kahit balahuraan eh alam mo pa rin na wala ka sa jologs level o plain tsismisan lang. In short, dito kasi sa mundong ginagalawan ko, siguro ay limang tao pa lang ang namimeet ko na pwede kong sabihin na ka-wavelength ko. Siguro tingin ng iba dito sakin ay napakagulong weird na bata (ahahaha)….Dont get me wrong, Im also having fun with the people around me here, kaso nga lang, ako ang nag-aadjust para sa kanila, so I’d fit in the crowd. No choice ako, iba nga kasi ang kultura nila, ako ang bagong salta, ako ang mag-adjust. Tama? Kaya ko namimiss ng sobra ang mga kaibigan ko, gusto kong maranasan ulit na ako ang tatawa at hindi ako ang magpapatawa. Ako ang kinukulit at hindi ako lang ang nangungulit. Namimiss ko ang mga usapang seryoso at deep. Ang mga taong profound pero cool….
Minsan nagtext ako sa mga taong nakilala ko dito, isang text message na tungkol sa kung anu-ano lang napansin ko sa mundo…makulit na pagkakasabi pero emo yung text, at wey! yung limang yun din lang ang naka-appreciate ng message ko. Yung iba, dedma (alam ko binasa nila, smirked, then deleted the message)…yung iba hindi dedma (nagreply, and the message was: hey, are you sick or something? :p)…..hay! Ahahaha.
Hay naku. Bigla ko talaga namiss ang mga taong katambay ko noon kina mang mon, sa sunken garden, sa isawan sa may ilang-ilang dorm, sa may itlugan, sa lab nina peaches, sa entrance ng chem at sa lobby ng nsri….siguro dahil yung mga lugar na yun ang aking comfort zones…ewan…lumipas na rin kasi ang panahon…nagkahiwa-hiwalay na dahil kailangang magtrabaho. Yung iba nagpamilya, yung iba nag-abroad, ako, lumipat ng planeta.
Hay. Uhm, pwedeng manawagan? Ahaha. Alam ko marami na kayong pera ngayon pang load, ung iba post paid pa…ahaha… Text niyo kaya ako? o kaya email nyo ko, dati pa din naman email at number/s ko eh…. Ugh! Wala lang. NAMISS KO LANG KAYO, oo kayo, mga dati kong kaibigan, mga dating kaasaran, kasabay mag-lunch, magsnacks, magbreakfast, magdinner, magisaw, magkape at magyosi (ay naku, taga-langhap lang ako ng usok, di ako nagyoyosi!)…sige na, email o text niyo ko…wala lang, kuwentuhan lang, katulad ng dati…namimiss ko lang kayo, kahit napakabusy na ng mundo…namimiss ko talaga kayo, pati na ang flyover at footbridge at overpass, ang mga paborito ko dyang kinakainan, ang mall, ang mrt, ang stoplight, ang mga tinatambayan sa may philcoa, ang mga epal at kups sa kung saan-saan, ang footlong, squidballs, fishballs, at kwek-kwek kina mang mer, ang liempo at sisig sa mang jimmy’s, hay ang buong UP, ang dati kong mundo….
Hay naku. Tama na. Dalawang taon na rin akong nasa ibang planeta…Andaya ng mundo…(hahaha)…pinaglayo-layo tayo…hay…hmp…Hayaan niyo, minsan pupunta ako sa dati kong mundo….kitakits na lang tayo.
3 Responses to “MISS KO LANG KAYO…”
1. star-child (October 18th, 2008 4:23 pm)
Friend, miss na rin kita!!!! Iba talaga no???? Hehehehe. Magmultiply ka kse, hehehehe. Mas madalas ako magpost dun e. Hehehehe.
2. Annie (January 25th, 2009 5:13 pm)
Oist!..hehe..kakamiss nga..haayyyyy…buhay..ang tanda n ntin!..wala na tayo s wonderland at lumaki n din ang mga kalaro at kaibigan natin :(..haayyy..
3. rose (March 24th, 2009 5:55 am)
huy jen, miss ko rin ang mga pinagsasabi mo…
