Category: classroom stuff
It’s unethical to borrow or lend pens or pencils.
why?
because when you use it, you put body fluids on it (e.g. sweat from your hands, your saliva when you unconsciously bite the tip, etc… ).
ahahahahaha….
that’s what i learned from my classmates last summer… one of them borrowed my pen and he liked it, so what he did was he bit the end of the pen and told me “ang ganda nitong pen mo, ate jen”. ahaha. guess what. i gave him my pen. well, yeah, its because i saw him put his body fluid on it…hahaha wadahell!
let me repeat today’s lesson. lending or borrowing pens is unethical… it is unethical. just because……..uh, it is. ugh?!
A classroom is a room in which teaching or learning activities can take place.
The classroom attempts to provide a safe space where learning can take place uninterrupted by other distractions.
what a room. (ugh). it sounds so formal, right?….hah. makes me a bit scared to enter one now. ugh. ahahahaha.
Nakapulot ako ng piece of paper habang nagpapaexam ako sa biochem.
Ang nakasulat: “paarog ikan #2 mo parihas kita nakita ko isayad mo sana….Riz kadi”
Translation: pakopya ng #2 mo, parehas tayo nakita ko, isayad mo lang…Riz ‘to.
Hindi ko alam kung anong klaseng reaction gagawin ko nung nabasa ko nakasulat sa napulot kong papel — kung matatawa ba ‘ko, magtatanong kung sino si Riz o kung anong klaseng code ba yun, o dedma na lang?
Tinago ko ang papel. Ipinakita ko sa nanay ko este sa OSA Coordinator. Hindi kagandahan ang reaksiyon niya. At base sa nakita at narinig ko mula sa student affairs coordinator, lumabas ang totoong reaksiyon ko sa nangyari at sa napulot kong papel —- humagalpak ako ng tawa. Ewan ko. Hindi ko alam bakit ako natawa. Naisip ko mga estudyante ko, at kung gaano sila kadesperado pumasa. Ahahaha…kahit nakakainis din talaga ng sobra (dahil hindi ko tinotolerate ang panggagaya) ewan ko, pero talagang natawa ako.
Pero naisip ko din, unfair! Ahaha. Ugh! Sa UP naming mahal pamantasang hirang kasi, numero uno sa ipinagbabawal, as in mortal sin ang cheating, whatever form pwede ka maexpel….kaya hindi ako nakakopya nung ako ay nasa kolehiyo…one seat apart na, set A ang exam mo, set B naman sa mga katabi mo, saklap di ba? Ahaha. Kaya kung kokopya ang mga estudyante ko, eh nadugasan na nila ko, wala pa sila natutunan, hmph! Asar. Grr…
Napaisip lang din ako. Iba na nga pala ang mundo ko, para akong lumipat ng planeta. Parang other side of the galaxy…isa na nga pala akong master jedi ngayon. Ugh! Whatever. Ahaha… pero seryoso, iba ang mundo ko ngayon, mahirap ang tasks, mahirap magturo, mahirap magimpluwensiya ng bigtime, mahirap kahit subukang mag-inspire, mahirap magmotivate, mahirap piliting wag maging boring kahit masama pakiramdam mo o may dinaramdam talaga, mahirap magsalita maghapon ng hindi nagkakasore throat, mahirap magpaliwanag ng mga bagay-bagay sayantipiko man o kadramahan o katotohanan o kalokohan, mahirap magadjust sa bawat individual differences ng lahat ng estudyante, mahirap umiwas sa tentasyon, mahirap magbehave sa lahat ng oras, mahirap ang maraming nakatingin at pumupuna, mahirap ang napapagod sa pag-aaral ng ituturo halos araw-araw, mahirap ang napakatagal matanggap ang kakarampot na suweldo, mahirap talaga, mahirap at magastos kumuha ng lisensyang magturo, oo, mahirap talagang maging guro….
Tapos…tapos?!! Kokopyahin mo lang ang number two ng kaklase mo??! Gaano ba kahirap ang mangopya at kinailangan mo pang magpass ng note na ‘to at magsilbing ebidensiya? Gaano ba kahirap mag-aral para di mo na kailangang mangopya? Gaano ba kahirap magkaroon ng hiya at respeto sa iyong guro na wag mong gawin ‘yan? Gaano na ba kamahal ang disiplina ngayon at wala na atang bumibili sa inyo? Kung anumang munting bagay na ginawa o nakasanayan mo sa kolehiyo at habang nag-aaral, dadalhin mo ‘yan hanggang sa magtrabaho ka na, bata…kung sino man si Riz, wala na akong pakialam. This goes to all my students and other students who happen to read this post. I don’t want to sound like a self-righteous freak but I hope you get my point. Aral na lang tayong mabuti, kiddo. Ok?
At pwede ba, sa susunod, kung mag-iiwan ka lang din ng ebidensiya, pakisulat na lang ang buong pangalan mo, pakilagyan ng signature, right thumb mark, at pati na rin 1×1 picture mo para mas astig! Hmmmp.
7 Responses to “ESTUDYANTE BLUES!”
*elai (December 27th, 2008 1:34 am)
…mahirap magadjust sa bawat individual differences ng lahat ng estudyante, MAHIRAP UMIWAS SA TENTASYON, mahirap magbehave sa lahat ng oras,…….
hmm! anong klaseng tentasyon to, mam jen??
ahaha!
‘ugh’ i dont want to talk to you anymore! you’re a teacher. teacher ka na. teacher ka na. teacher ka na nga talaga!!! hahaha! :p
*maj (December 27th, 2008 2:08 am)
nice!! hahah! i like this post! ang galing mo ate jen! saludo ako sayo…
*queEnbEe (December 30th, 2008 9:54 pm)
haha!ktwa..nys1 mdam..hmmm.. hnd k nmn ngging “self-righteous freak”..cool nga eh..ur doin’ d ryt thing mdam..ahihi..
nu kya ang reaction nung riza kung skaling mbasa nya toh?!..sikat n xa!hahah..kidding..
*pricelesspreciousprincess (January 5th, 2009 3:50 am)
..great. love this post. mejo relate ang hamak na teacher-teacheran na tulad ko.
isa lang yan sa sangkatutak na “katarantaduhang kopyahan” ng mga studyante. hmp.
*the-fool (January 20th, 2009 11:21 pm)
harharhar! this is one way of getting back at them…posting the evidence… nice jen!
*arjay (March 22nd, 2009 1:25 am)
hehehe… scary little teacher… hahaha… buti nlng wala sa vocabulary ko ang cheating… khit walang masagot basta di nangopya… khit ba nagkokopyahan na katabi ko… iba tlga pag UP hahha…
heheh love this post… so cool… parang kay bob ong… sorry for the comparison po…
PS. Sbucks ko teh? hehehe
*rose (March 24th, 2009 4:43 am)
hi jen! hahaha. i didnt know that such a careless act as that could trigger a deeply melodramatic response from a teacher. ganun kaya tlg nararamdaman ng mga guro? hahaha.
well, ive had my share of it, high school days. its just that i didnt take it very seriously. like duh! hahaha. does it really matter to you?
yeah, UP days. then again, why compare it?

