first, i digress, now, i deviate. i realized that Christmas should be (MORE) for the kids. I’ve never seen them happy with an apple, or a crispy 20 bucks. so, uh, let’s be just kids forever. what do you think? yes? yes.
Category: christmas
Sino sa inyo, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nalulungkot kapag lumalamig na ang simoy ng hangin? Ako, hindi. Hindi na. [haha]. Dati, oo. At hindi ko alam kung bakit nga ba ganun pakiramdam ko nun.
Pwede sigurong gamitin ko ang dahilan na sadyang baliw lang talaga ako. O dahil naramdaman ko na naman na patapos na ang taon, at pakiramdam ko wala akong nagawang may kwenta sa loob ng isang dosenang buwan. O kaya nama’y sabay sa pagkakatanto ko na patapos na nga ang taon, ay naipapamukha ko sa sarili ko ang pagkukulang ko sa lahat ng aspeto — sa di maintindihang sarili, sa Diyos na malamang ay naguguluhan lagi sa akin, sa hindi ko palagiang natutulungang pamilya, sa nagtatampong bayan, sa nagpapapansin na trabaho, sa tinalikurang kaibigan, sa lahat ng nilalang sa mundong ibabaw at ilalim, madilim man o maliwanag, lahat silang kakilala kong mga nilalang — lalaki, babae, bakla, tomboy, palaka, baboy.
Ewan ko ba. May sayad lang ata talaga ako sa utak noon. Kasi hindi ko naman pwedeng sabihin na malungkot ako nun dahil malamig ang pasko ko. Nagkaroon din naman ako ng mga pasko na may kapuso, pero ganun pa din. O baka naman isip-bata pa ako nun, o sadyang wala lang talagang rason.
Pero sabi ko nga, hindi nako ganun. Hindi nako nalulungkot pag parating na ang Pasko at malamig ang simoy ng hangin. Kahit pakiramdam ko ako pa rin ang dating ako, nadagdagan lang ang edad. Tatlong taon nakong hindi dinadalaw ng ganung pakiramdam. Kahit hanggang ngayon halos hide and seek pa rin kami ng mga inaanak ko, magulo pa rin ang sarili, nakukulitan pa rin ang Diyos, beybi pa rin ng pamilya, malaki pa rin ang utang sa bayan, hindi pa rin mabigyan ng tamang pansin ang trabaho, break pa din ng nakatampuhang kaibigan, at may pagkukulang pa rin sa mga bagay-bagay, hayop, tao, may utak, walang kasarian.— Ito, alam ko kung bakit. Alam ko kung bakit nawala na ang malungkot na pakiramdam pag Pasko at araw-araw. Ikaw, alam mo ba? Eh wag kang sasagot kung alam mo! Dahil hindi talaga yan ang tanong ko. Ang tinatanong ko mula sa simula, sino sa inyo, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nalulungkot kapag lumalamig na ang simoy ng hangin? Tapos kung ikaw ‘yun, pakisagot na rin ng malupet kung baket. Pwedeng din naming sagot na makulet, pero dapat walang mauulet. (._.)
i always have that gloomy feeling every christmas. yeah, christmas breeze felt so melancholic to me eversince. i dont know why…. and i wasnt really able to know the reason behind such feeling. 
