Posted by jen on July 26th 2008 to KWENTO KO
Way back in kindergarten: “…when I grow up, I want to be an engineer or an architect..” uh huh, hindi ko nga ata alam kung ano ang engineer noon…at ang architect? Uh, basta, alam ko lang nun, magaling daw ako magdrawing kaya pwede raw ako maging architect…wahaha…ano ba…ok, primary level, yea, ang alam ko gusto kong maging isang inhinyero o architect nga…
Highschool. Hindi na masyadong napapansin ang pagdo-drawing.Nagsimula ng matuwa sa biology. Sa chemistry.Naisip ko, pano ba maging scientist? Masaya kayang maging ganun? Mahirap bang maging ganun?
Kolehiyo. Nakuha ko sagot sa tanong ko nung highschool. OO,Mahirap. Mahirap maging scientist lalo na kung ganitong level lang ang I.Q. ko. Naman, nag-aral maging chemist, oo, pero hindi maging scientist. Kundi maging isang doctor. Pre-med daw. Naman. Haha. Ok. Grumadweyt din kahit papano, nagboards, naawa ang Diyos at ipinasa ng dasal, naging chemist. Napagod mag-aral. Mahal na mag-aral. Hindi na naging doctor.
Trabaho. Research assistant. Chemistry. Laboratory. Pero iba ang gustong gawin. Ibang trabaho. Graphic artist sana. At lalo na ang robotics. Kung sana ay mas pinili ko ang electrical engineering sa beyubs kesa bs chemistry sa peyups, eh di sana may pag-asa pakong mapunta sa robotics na yan. pero nangyari na ang nagyari, yun na yun.
Trabaho ulit. Chemist pa din. Ayos lang. May natututunan. May sweldo. Pero…….sige, diretsuhin ko na…hindi ako masaya. Tunog big-time lang ang pagiging chemist. Whoa sa-yan-tis ka, jen?! (sagot ng utak ko: hindi, SAYANGtist ako. Pakiramdam ko kasi ang lousy kong chemist. Hindi efficient. Di ko kasi gusto ginagawa ko. Yun)…
Isa pang trabaho. Ganun ulit. Ayoko na talaga. Iyak ang isinagot ko sa boss ko nung tinanong niya ko kung ok lang ako. Sabi niya: “it’s time to shift gear, jen… go ahead…just finish our project then go. Do what makes you happy. Ay bata ka, when you become older and more mature, tatawanan mo ang araw na to”. Ugh. Apat na oras kong iniyakan ang boss ko na napakabusy 24/7. (Wah! Pasensha ka na, ma’am pythias, adik ako nun, alam mo naman po un, di po ba?Hahahaha. Pero salamat, ma’am. Basta. Hehe). At haaaaaaaaay. Tama nga ang boss ko, dumating yung araw na tinawanan ko ang araw na yun. Ugh. Ahahaha.Hay. Ok…shift gear daw….
Shift gear. U-turn. Uwi sa probinsya. Nagpaka-bum. Shift gear. Nagtayo ng computer shop. Shift gear uli.
Teacher. Pinaka-ayaw ko to nung bata ako. Dahil lang sa rason na to: malaking responsibilidad, at napakadaming trabaho!!!! Teacher ang lola ko. Ang isa ko pang lola, ang nanay ko, ang tito ko, ang pinsan ko… pero hindi ko naisip na sasali ako sa kanila. Pero ayun. Naging teacher ako ngayon, o. uh huh…ok…eh, kumusta naman maging teacher, jen?
Masaya. Nagkaron ako ng kwenta.
———————————————————————–
oo, alam ko. Bitin ang ending ng sinulat ko. Hindi ko kasi alam kung bakit pagka-typeko nung “nagkaron ako ng kwenta.” eh lahat ng isinusunod kong itype na mga salita ay nauuwi lang sa pagpindot ng backspace. Siguro dahil sapat nang sagot ang dalawang linyang yun…..siguro nga ganun.siguro nga…
