Hanep.

Parang slideshow lang ang 3.5 years. Ambilis. Pero parang 500GB sa dami ng laman. Simula ng presentation — andun ako. Andun ka rin. Akalain mo yun?

Andun ako. Nagtuturo lang ng wonders & shits ng mundo. Andun ka rin, ini-explore ang same shits and wonders ng planet. Tapos tini-textmate natin amg isa’t-isa tungkol sa mga yun. Nagtetennis tayo ng mga stupid questions and even more stupid answers. Tapos yun na yun. Ang paminta ng araw, gabi, maghapon, magdamag natin.

 Marami akong ginagawa sa buhay nun. Busy-busyhan. Pero kinalimutan ko na yun. Ikaw. Naaalala ko ang mga bagay na ikinatuwa at hinangaan ko sayo mula nung simula:

kulang pa yan. pero akala mo nauubusan ako ng mga bagay na kahanga-hanga sayo? hindi. eh hindi ka rin naman kasi tumitigil maging isang maganda at mabuting tao.

 to hell with organized flow of thoughts, basta si-segway ako: nagagalak ako. nagagalak akong isipin kung pano mo ako awayin este lambingin kapag busy ako at akala mo nakakalimutan kita. nakakatuwa ang mga pagkakataong napagtatanto ko ang aking pagkakamali na hindi mo ko kailangang pagsalitaan ng mali o masakit. nakakatuwang isipin na sabay tayong tumatanda at natututo ng lahat nga ng mga shits and wonders sa ibabaw ng mundo.

*yung nagsusulat ka sa Unibe. yung sakto lang na pagkakasulat, hindi OA, may dating o tama, may maling itinatama, may patama.

*ang pagkakaroon mo ng maraming pangarap at ng maraming kaisipan at kagustuhang makahanap ng paraan upang abutin ang mga nabuo at naidrawing na mga pangarap sa buhay-buhayan notebook mo.

*hindi ka katulad ng mga tao sa paligid mo. na nakiki-ride on sa achievements/popularity ng iba.

*hindi mo pinapatulan ang mga taong pa-prinsesa kung umarte, ang mga taong may manchausen syndrome kunwari, ang mga taong tinubuan ng mala-hot air balloon na ulo sa kayabangan, ang mga taong akala mo sila lang ang anak ng diyos, mga taong kung saktan ka ay akala mo hindi mo itinuring na totoong kaibigan at kapatid.

*hindi ka vain (ako lang). hindi ka mediocre (sila lang).

*marami kang “new stuff”. (hindi materyal na bagay kundi kaisipan).

*hindi ka napapagod na subukang initindihin ang mundo ko (parang abnoy lang eh noh?). hindi ka napapagod na bigyan ako ng pangalawang pagkakataon at mas marami pa, para lang maging mas mabuting tao ako.

 Hanep.

Antaba ng puso ko. Dahil sayo. Kung alam ko lang ang direct translation to tagalog ng salitang PROUD ay sinulat ko na dito -> ________ with the biggest font size ever, italicized, bold, underlined.

PROUD ako. na nakilala kita. na kasama kita sa the good, the bad and the ugly episodes ng buhay. na nagpapakatatag ka. nangungulit. nangangarap. nagmamahal ng totoo, wagas at sobra-sobra.