sa dinami-rami ng pwedeng kainin, bakit panis na dilaw na kain pa?

kung kelan ko ginugusto at pinipilit kumain ng marami, ngayon pa ‘ko hahainan ng panis na kanin na parang kontrabida sa mga plano ko — ang mamuhay, kumain at magisip ng maayos. hay. buhay nga naman minsan parang suckerlife lang.

bakit kamo ako nagkaron ng ganitong plano-plano? dahil sa nakalipas na isa o dalawang linggo, pakiramdam ko hindi ako ang sarili ko. kung pwede lang sabihing nalito ako kung ako nga ba ay ako, o ako pa rin ba ang ako na alam ko, ay sasabihin ko na. ewan, hindi ko alam kung napapraning ako o nabobo. o nawawala sa katinuan. o nababanas. o nabuburyong. o talagang pagod lang ng sobra.

nahihirapan na naman ako mag-organisa ng mga kaisipan ko kaya ililista ko na lang para naman mukha lang silang tiangge ob thots.

una, ay mali. ayoko ng ganito. numerical mode na lang dahil pag lumagpas nako ng sampu eh napakahaba na ng bilang. ayoko ng mga labing-labing na yan, as in labing isa, labing dalawa o labindalawa o anuba.

o eto na:

1. nababanas ako sa masters at thesis. dahil hanep siya sa gastos, owver sa demanding at higit sa lahat, hindi ko nararamdaman na lumevel-up ang kaalaman ko, sa totoo lang.

ang masteral degree, sa inaakala ko ay hihinang sa kakayahan ko. pero kung ano ang natutunan ko sa kolehiyo bilang chemist, hindi na umusad yun. ang nangyari, natuto ako ng maraming bagong bagay. pero hindi bilang chemist, kundi parang isang biologist. mukha lang akong nagenrol ng panibagong kurso sa kolehiyo. hindi naman ako nagkamali ng pinasukan, may Major in Chemistry naman nakalagay sa programa nila, pero heto, heto na nga. tsk.

nahihirapan na rin ako sa thesis. dahil napakagastos niya. mas malaki pa ang problema sa gastusin kesa sa pagsusulat at pag-aanalyze ng data. samantalang ang iba, binili at ibinayad na lang ang thesis nila, nagka-award pa. ay sus, palakpakaaaan. hay. sana…………sana matapos ko na ang masters [o ano, kala mo hihilingin ko na sana marami rin akong pera noh? haha..para makabili din ng thesis noh? haha…nagkakamali ka].hahaha….sana…sana lang talaga huling semestre na ‘to…dahil pagod na ‘ko…pagod nako sumunod sa patakaran, na dapat may masteral degree para makapagturo sa kolehiyo…..pagod na kong sumunod sa gusto ng ibang tao…pagod nakong habulin ang pangarap ng isang mahal sa buhay…nakakapagod na talaga.

kung matatapos man ‘to at makakagradweyt ako, hindi ko ‘to ipagyayabang. hindi ko rin ipangangalandakan. sapat na sa akin na makita kong masaya nanay ko kung sakaling magmamartsa ako kasama siya sa graduation….sapat na para sa aking maramdamang ipinagmamalaki ako ng mahal ko dahil kinaya ko ang lahat ng ‘to.

hay. bago pa man ako mawalan ng gana ng tuluyan sa ginagawa ko, siguro mas makabubuti kung hindi ko iisipin ang kabuuan ng lahat ng ‘to. unti-unti muna, doon muna sa simula at simple at kailangan………sa ngayon , kailangan ko munang magbungkal ng lupa.

2. naiinis ako sa mga salitang bobo at kabobohan at nakakahawa.

3. nakakaumay rin ang mga ngiting aso na kung tumigil ngumiti ay magsasalita ng kung anu-ano na aakalain mong hindi pa naiimbento ang grammar.

4. pwede bang ulitin tungkol sa paghihirap at kawalan ko sa pera?

5. andami ko ring kinakatukatan ngayon. pwera na lang sa takot ko na mukhang nahahawa nako [see number 2], natatakot ako sa kalusugan ko. nangangayayat ako ng sobra-sobra at kung anu-anong signs and symptoms of illness X ang napapansin ko sa sarili ko. siguro, stress-related to [see number 1]. o dahil andami kong iniisip na babayarang utang sa nanay ko at iba pang tao [see number 4]…..o baka dahil mas nakakadagdag din ang pagod at pagiisip ko sa trabaho [proceed to number 6]?

6. mahirap magsalita tungkol sa trabaho lalo na kung blog post nga siya. har har….[ kung nababasa mo ‘to ***, tawa ka na lang dyan, ha? hahaha]. pero magsasalita pa rin ako. sa darating na pasukan, 27 units ako. general, analytical, organic at biochemistry ang ituturo ko. hindi nga chem majors tinuturuan ko pero sa mga nakakaintindi, di ba hanep sa pakamatay yan?! at habang nagtuturo ka, kasabay ang numbers 1-5 dyan. isama mo pa ang ibang bata na hindi naman talaga nagaaral o nangongopya lang sa kaklase at magsusulat pa ng note sa exams mo ng “sorry ma’am, hindi ako nakapag-review,eh. jejejeje”. hay. anakanangtokwa di ba? haha. haaaay. buhay teacher. parang chungki-fied, 😀

7. may isa pa’kong bagay na dapat isusulat dito pero hanggang usapang bestfriend na lang ‘yun. [salamat, major punk, sa uulitin]….actually, tungkol lang yun sa sarili ko na parang isang bagay na kailangang pukpukin, higpitan ang screw, o lagyan ng oil para di mangalawang at ayusin bago tuluyang pumanget at masira. hehe. basta. yun na yun na yun.

8. gusto kong ibalik ang pagkakataong sinabi o tinanong ang mga to sakin ni major punk: “sasayangin mo ba ang ganyang talino dyan?” at “ewan ko ba sa inyo, bakit niyo ba ginagawa ang mga bagay na ayaw niyo”. gusto kong ibalik ang paguusap na yun. dahil nung oras na yun, natameme ako. ibig sabihin, tinamaan ako ng lintik. [ugh].

Ayan. siguro hanggang diyan na lang ‘yan. sana sa susunod na post ko nagawan ko na ng paraan at nalagpasan na ang lahat ng ‘yan….sana sa susunod alam ko na ang gagawin ko. at sana sa susunod hindi na rin ako hanggang pagsusulat lang at pagrereklamo….hmmm…sige. hanggang sa susunod.