*SEMPLANG*
yan ang pinakaiiwasan at kinatatakutan ko nung bata ako — ang sumemplang sa bike, sa rollerblades, atbp na may gulong o gumugulong.
nung tumanda ako, nakakatakot pa rin sumemplang — sa grades, sa expectations ng magulang, sa career, pati na rin sa pag-ibig. naisip ko, sa bawat semplang noon at ngayon ay palaging may kasamang sakit at aral…ang bawat semplang ay nagdudulot ng galos sa katawan at sugat sa nararamdaman…pero ganyan talaga ang buhay. hindi kumpleto hanggat di ka bumabalebalentong at sumisempleng…. di ba? di nga….hindi nga ba? oo di ba? :p
