Sa dinami-dami ng tsinetsekan ko, bakit ngayon pa nagtae ang bolpen ko.
Hay naku, wala ng ibang bolpen na iba dito puro mongol # 2 at jumbo mongol lang. Wah. Hmmp.
Nung bata ako….hmmp…uh, sinubukan kong sipsipin ang dulo ng bolpen (ahahaha). Sabi kse ng kaklase ko, ganun daw gawin ko para tumigil pagtatae. Ay gudlak. Di naman natigil. Sipsip lang ako ng sipsip. Wala akong pakialam nun kung nakakalason ba yun (ni hindi nga sumagi sa utak ko ‘yun hahaha), mas inisip ko kung pano titigil ang pagtatae ng bolpen ko. Hmmp….
Pero may natutunan ako dun…
3. wag maniwala sa kaklase ng basta-basta lang. minsan, kahit di namamalayan, ikaw ay maaaring mapahamak….hahaha.
2. ganun din, wag uto-uto. Ang gustong magtae ay magtatae. (wag ka umepal at mangsipsip ng nagtatae).
1. mas masarap po ang blue ink kesa red ink kesa black… J
One Response to “AY ANG BOLPEN”
*elai (October 27th, 2008 2:46 am)
hahaha! ginawa ko din yan! pero feeling ko pare-parehas lang lasa ng tatlong ink. pano ko nalaman? hindi ko talaga alam, kulay itim lang natikman ko. ahaha. feeling ko lang nga. ilang beses ko din ginawa un. tama ka. wala ngang nagyari sa bolpen. nangitim lang dila ko. kalokohan! ahahaha!
