Posted by jen on July 13th 2008 to JEDI STUFF
Nakakapagod na. nakakapagod ka ng pagmasdan. Nakakapagod ng marinig at mabasa ng paulit-ulit ang kalungkutan mo. Ano ba, ano bang balak mo? Malungkot araw-araw, gabi- gabi o maglungkut-lungkutan sa dapit-hapon, madaling araw, pagsikat at paglubog ng araw, sa bawat kabilugan ng buwan at pagpatak ng ulan, paglitaw ng bahaghari o sa bawat pagihip ng hangin?
Bakit ka ba nalulungkot? Sasagot ka na naman ng basta. Minsan gusto ko ng isipin na ang basta ay nangangahulugan ng “ikaw kasi”. Ako nga naman kasi. Ano? Anong pagkakamali ba nagawa ko sa’yo?
Ako kasi. Ako kasi. Ako kasi…….
OO. Ako naman kasi. Epal. Nagpaka-superhero sa buhay mo. Pasensya na. Ganun akong klaseng tao eh, kung may problema ka, susubukan kong tulungan ka, kung wala man akong magawa, kaya kong makinig sa mga hinaing mo at magsalita at kausapin ka at subukang pagaanin ang anumang dinadala mo.
At oo, ako naman kasi. Andaming lambing sa katawan. Pasensha na ulit, ganun akong klaseng tao eh.
At oo, ako naman kasi ulit at ulit at ulit-ulitin ng maraming ulit, minahal ka ng sobra na parang tunay na kapatid. Pero pasensha na, dahil ako naman kasi, hindi ko mapilit sarili ko na maging “kung anong gusto mong maging ako sayo”……kailangan pa ba ‘yun? Yun lang ba importante sa’yo?
Kung nalulungkot ka dahil wala ng makitang tama ang mundo sa’yo, mag-isip ka. Tama ba sila o hinuhusgahan ka lang nila? Mas nakakalungkot ata na hinuhusgahan ka na ng mundo pero mas pinipili mong ipakita sa mundo na tama sila….
Kung nalulungkot ka dahil hindi napupuri, napapasalamatan at napapalakpakan ang bawat pagod at hirap mo, mag-isip ka ulit. Bakit mo nga ba ginawa yun, para makatulong o para palakpakan at hangaan?
Kung nalulungkot ka dahil pakiramdam mo kinakawawa ka, buksan mo isip mo. Sa pagkakaalam ko, base sa mga kinuwento at inirereklamo mo sakin, isa o dalawa lang naman ang malaki at totoo mong problema. Yung natitira, kagagawan mo na. Kelan ka titigil sa pagpapahirap sa sarili mo? Ikaw lang naman mismo ang kumakawawa at nagpapalungkot sa sarili mo. Hindi ibang tao, hindi ang mga taong nasa paligid mo, o ang matalik mong kaibigan o ang taong itinitibok ng puso mo. Tumingin ka sa paligid mo ngayon, kung ipapabilang ko ba sa’yo ang alam mong minamahal ka ng totoo, ilan at kani-kaninong pangalan ang isasagot mo? Alam kong kasama ang pangalan ko, at alam kong kasama ang pangalan ng kakilala ko. Ayan, di ka lang siguro malulungkot sa mga nasabi ko, malamang nagalit ka pa, ako naman kasi, kung anu-ano pinagsasabi. Diretso. Sapul. Hindi masamang umaray. Ayos lang din kung magagalit ka sa ngayon. Pero ang ilapat lahat yan sa pagmumukha mo ang natatanging paraan na naiisip ko para naman ang susunod na makikita ko sa’yo at mababasa ko, eh hindi na puro kalungkutan.
Bata ka pa. Sayang ang panahon kung igugugol lang lahat sa kalungkutan, sa pagmumura, sa pag-iisip ng masasamang bagay, sa pagsugat sa sarili, sa pagmamahal na binabalot ng selos at galit, sa pakikipagkaibigan sa bisyo at mabisyong kaibigan, sa pagpapabaya sa pag-aaral, sa pagsayang ng oras sa walang kwenta at walang kabuluhang bagay, sa hindi pagsunod sa magulang o nanay-nanayan at tatay-tatayan, sa hindi pagtupad sa pangako, at sa hindi maniwalang may magagandangbagay sa mundo na para lang din sa’yo.
Pasensha na. Ako naman kasi. Walang ibang hinangad kundi ang kaligayahan mo. Ako naman kasi, walang ibang gusto kundi ang mapaayos ang buhay mo. Hmp. Ako naman kasi…Ako naman lagi.
Responses to “HANGARIN KO LANG AY MATULUNGAN AT MAPASAYA KA.”
1. Itna (July 16th, 2008 11:07 pm)
sino ito?!!! nakaka-intriga!!!
2. rose (September 8th, 2008 1:42 am)
jen?! is this in response to an article i read somewhere? which has a line that goes “kung anong gusto mong maging ako sayo”…… and all those ikaw kasi, ako kasi, ako ulit kasi at ikaw nman kasi?
if so, gosh…. i didnt realize it was u the author was talking about. and i thought the person who left was a big time jerk.
hahahaha.small world
3. eongrey (September 10th, 2008 6:21 am)
what are you talking about, rose? hahaha……………. nah, nagkataon lang siguro lahat..haha..weird!
