Mahirap pala makipag-away sa mundo. Mahirap pala makipagmatigasan. Kasi naman likas na matigas ang ulo ko. Dapat pala sinasayawan talaga ang tugtog ng buhay. Magaling naman (daw) ako sumayaw, pero bakit ganun, di ako makasabay?

Ganyan ako sa loob ng halos anim na taon. Kasi naman namuhay pala ako sa buhay na gawa ng iba. Tinahak ko ang direksiyon ng buhay na hindi ko alam kung doon ba talaga ako nararapat. Pero tapos na, nakadaan na ako, akay ng iba. Siguro pumunta ako sa lugar na para sa ibang tao — ang labas, parang nakihitch lang siguro ako sa ibang pangarap. Pero ayos lang, di ko pinagsisisihan ‘yun. Masaya naman ako at naging mahalaga naman ‘yun sakin. Pero ang tanong, yun din ba talaga ang dapat kong pinuntahan? Hay, hayaan na, sabi ko nga totoong naging masaya naman ako. Pero mga dalawang taon na ang nakaraan, naalala ko tumigil ang biyahe. Di ko alam kung kusa ba na bumaba ako sa pagkaka-angkas o nahulog ako. O di kaya pinababa ako? Ewan ko. Pero ang alam ko, naiba ang landas na tinahak ko, mag-isa. MArami akong nakasalubong. Nakasalamuha. Magulo. Nagulo ang mundo ko. Praning. Kasi may mga panahon na mas masaya ang buhay kesa dati. Pero meron din na mas malungkot ng sobra. Grabe naiba ang takbo ng buhay. Nakakabaliw. Literal. Pero nakilala ko ang sarili ko. Nakita ko ang lahat. Nakita ko ng buong-buo — ang Jen na mabait at ang Jen na may sungay. Hehe. Ok lang. Aminado ako dun. Kesa naman mapagkunwari ako di ba? Di naman ako katulad ng iba na akala mo ay nakangiti lagi, na kahit mata ay ngumingiti, na para bang di marunong magalit pero ang totoo, diretsahan kang sasabihan ng gago ka! Yung tipong pag nagtabi kayo ay nagmumukha kang itim na tupa at masama sa tingin ng ibang tao pero siya, na katabi mong maamong tupa, ay parang diyos na pinaparamdam sa’yo na isa kang makasalanang nilalang! Chill………untog mo ulit ulo mo, jen (um! ayan……..).

Nagising na ako. Nakakapagod ng malungkot. I know my worth now. Napatawad ko na sarili ko. Meron akong kwenta. Marunong akong magmahal. Ng sobra. Ng sobra-sobra. At marunong din ako mapagod at kumawala sa pananakal ng nakaraan. Hindi ko alam kung pa’no nangyari pero nakawala na’ko. Nagdesisyon na akong mamuhay sa kasalukuyan. Marunong na akong maghintay ng bukas. Kung gustong humabol ng nakaraan, pwede naman. Siya naman ngayon ang umangkas sakin………