Bago ko sagutin ang tanong na ‘yan, pwede bang sagutin muna ang tanong tulad ng sino si Jen Arbo?
JEN ARBO à isang di-mo-malaman-kung-anong-klaseng-nilalang na nang-gugulo ngayon sa southern Luzon; isang mad scientist on the loose na nagpapanggap ngayong part-time college instructor (pseudo-teacher)…tsk.tsk.tsk… kawawang BUPC (bicol university polangui campus); kakatapos lang i-tame este i-train maging matinong titser sa CCT course na offered ng BUCE (Bicol University College of Education).
Sunod na tanong, ano ang CCT?
CCT stands for Certificate in College Teaching. Ito ang kursong pinasukan ni Jen Arbo ngayong summer 2008.
So, where in the world did Jen Arbo spend her summer vacation?
Sagot: Sa mundo ng CCT. Sa Room 11 at AVR ng BUCE. Monday to Sunday. 7:00am to 8:30pm. Mula April 14 hanggang May 25, 2008.
Pwe! Kaumay. Pagalong maray (translation: soooobrang pagod). 24 units.Principles & Methods of Teaching. College teaching Strategies. Foundations of Education. Social Philosophy. Guidance and Counseling. Human Growth, Learning & Development. Measurement and Evaluation. (La fota!) Totally different field. Education. Teacher. Guro………Ah, teka….studyante nga pala ako ngayong summer.
Hay CCT! Tulog lang ang pahinga ko dito. Literal. Ano ba naman ang 7am-830pm na sked every single day? Babyahe pa. 10:30pm makakarating ng bahay. Anong buhay pa meron ako beyond that? Wala. Mundo na ng paghihilik at paglalaway na lang habang tulog. Pero sige, tama na ang reklamo. Tutal, marami akong natutunan tulad ng mga ‘to:
*Nakilala ko ng masinsinan ang lahat ng mga pilosopo tasyo. Lahat ng mga –ism –ism namemorya ko na. Idealism. Realism. Naturalism. Supernaturalism. Essentialism. Taenaism! Sa ngayon, yung huli pa rin ang pinili kong pilosopiya (ngisi, hehehe).
*Ang tendency talaga pala ng estudyante is towards what is easy and simple. Simpleng gaya sa quizzes at exams at easy diskarte — tulad ng pagphotocopy ng lahat ng pwedeng kopyahin kasama na ang powerpoint presentations ng professors.
*Ang mga kaklase ko pala ay ang kukyut (from the root word “cute”). May priest. May lawyer. Maraming doctors. Maraming fresh grads. Maraming dati ng mga profs. Maraming samu’t saring tinapos na kurso. May bading. Maraming bitches. May buntis. Maraming magagaling. Marami ding nagmamagaling.
*Dalawang klase rin ang mga magagaling sa klase namin: (1) magagaling tumayming ng absences, meaning wala namang namiss na activities or lectures kahit di nag-attend ng classes at (2) magagaling umeskapo sa klase after signing the attendance sheet. Hmm….alam niyo kung saan ako dyan? NUMERO UNO ako dyan. hehe.)
*Natutunan ko na ang teacher daw ay maraming good values/traits. Parang multi-vitamins nga eh, from A to Z daw. Tipong A-adorable, B-blooming, C-cute, D-danda…ahahaha. Kidding aside, inenumerate talaga ng prof. ang lahat ng positive traits mula A hanggang Z. Maryosep. May kasama pang kanta yan after….(oh yeah, everybody sing: im alive, alert, awake enthusiaaaaaaastic…..! Uhm! Apir!)
*Now I know what subjective means! (ahaha, sorry, CCT classmates lang ang makakagets nito).
*Classmate1 : Is Marang a fruit? Ahaha, of all fruits why use Marang as an example?! (classmate 2: oo nga, pwede namang mangga!) Ahahahaha! Again, cct classmates lang mageenjoy sa sinabi kong ‘to. Sorry, this thing really brought chuckles out of me everytime I remember that session….masayang tagpo…..maka-ulukon talaga (translation: nakakatawa talaga)!
*Natuto akong magpasensiya ng lubos sa course na ‘to. Dati, kung gabi-gabi akong alas ten-thirty na nakakauwi, gabi-gabi na rin siguro akong nagmumura sa jeep. Pero ngayon, hindi. Dinadaan ko na lang sa tawa at kanta, as in bigay na bigay (total ako at si caryl na lang palaging natitira sa jeep) — saliw sa kantang lumalabas sa radio ng jeepney…(ayeah, starlight express…starlight express….are you real?….yes or no?….) ahahahahayyy….
*Sa CCT ko rin napatunayan na hunger is the best appetizer. 12 hours kaba namang mag-attend ng class, di ka ba gugutumin? Ahaha. Ang tawag namin sa mga sarili namin, mga PG, as in patay gutom). Pag may food, go! Eat! Kain! Kaon!
*Dito rin ako nagging mega-resourceful. Madami rin kasing oral reports and essays. Lahat na ng pwede kong itext para magdownload ng articles, ng video clips at kung anu-ano pa, nagawa ko na. (special thanks to guims, lei and elai. I owe you a lot, guys…mwah).
*SaCCT ko nahasa ang aking skills sa mga mabolang usapan. (ngisi). Bola dito. Bua doon. Bua-bua lang hanggang maging kapani-paniwala. (ngisi).
*Ang opinion mo ay lulutang lang sa hangin (depende sa prof). Ayoko ng magsalita pa, mahirap na. oooops.
*May class na may sitting arrangement para raw mas madaling ma-track kung sino ang absent ng absent. hala. gooooood luck. Haha. Pero mas madaming classes na kami bahala kung saan namin gustong umupo (they call it cheating arrangement…..alright! chem. Pipol flock together! Ahahahaha).
*Ang CCT ay parang Big Brother House. Habang tumatagal, lumalabas ang tunay na mga ugali at personalidad. Last two weeks…Ahaha, pikon days mga yun…araw-araw, iba-ibang taong napipikon. Away-away. away-bati. (to think magiging mga guro mga ‘yan ah? Ahaha tao lang, pasensha na). pero ang talagang natawa ako, mga taong sobrang mabait at mapasensha, sa CCT ko lang narinig magmura! (Ahaha, Right, mam caryl?).
*Pinagawa kami ng essay: My Philosophy in teaching. Kakatuwa. Dun ko narealize kung ano nga ba ako as a teacher. (Ugh! Serious mode!) Wala lang to. Epal sa blogpost. Wahaha.
*Sa CCT din ako aatakihin sa puso. Pano ba naman 5:30 to 6:30 ang exam. Asan ako? Andun sa bus. Texting while cursing. Cursing while texting — (txt msg: L8 nko. Bleep! Ppaexamin p b ko? Tae na!) Bakit kamo? Isang oras ako na-traffic dahil may part na baha. In short, umabot naman ako sa exam. Time check: 6:26pm. Sabi ng prof. ko: OK, you have four minutes. Wahahahaha. Goooood luck. Manghuhula powers activate!
*Bawal din maging tardy. At mas bawal sumimangot pag pinagalitan ka ng prof. mo dahil tardy ka. Kung hindi sige ka, “memories” ka na sa prof. mo. Ahahaha. (hanapin si Josef para i-explain to. Ugh!)
*Sa CCT ako natutong magpakabait pa ng sobra. (Ugh nabilaukan ako!) kayo na’ng bahalang mag-interpret niyan.
Haaaay, enough na. marami pa ‘yan. Di ko na nga lang maalala ngayon. Marami akong pinagdaanan. Maraming nagastos na pera. Maraming antok na naipon at di pa naitutulog hanggang ngayon. Maraming gutom ang lumipas na di na muling masasagip. Pero ayos lang. madami akong natutunan. Maraming tawang naitawa. Maramimg masayang ala-ala.
