Posted by jen on August 12th 2007 to JEDI STUFF

1. ang buhay ay kumplikado, sadyang kumplikado. hindi kung sinu-sino lang kasi ang gumawa ng buhay kaya hindi rin ito maaaring isang walang kakwenta-kwentang bagay. kaya wag ka na magreklamo kung kumplikado ang buhay mo…..:)

2. naniniwala akong nabuhay tayo sa mundong ito para maging masaya. period.

3. hindi mo pag-aari ang sino mang tao pati sarili mo…kaya wag ka mag-expect ng kung anu-ano mula sa mga tao…wag ka magtampo kung di ka naaalala, natitext, nabibisita, o napapahalagahan ng ibang tao….pero, sa mga pagkakataong nagagawa ng ibang tao yan sayo, yan, magpasalamat at matuwa ka dahil pinagtuunan ka niya ng pansin….di ba? 🙂
4. kung sa tingin mo hindi mo pa alam kung ano talaga gusto mo gawin sa buhay mo, at napakatagal mo ng ganon, congrats…..tao ka.

5.may tamang panahon para malaman kung ano ang gusto mong gawin….yung mga inakala mong gusto mo gawin noon pero di mo magawa, malalaman mo sa huli na hindi mo pala talaga yun gusto…everything comes with maturity…kung nasaang level ka, doon depende kung ano gusto mo gawin sa buhay…promise 🙂
6. maraming tao ang flirt. huh,saan galing yun?!

7. hahahahahahahahahaha

8. pero tama ako di ba?

9. anlalandi ng mga tao…puro trip…puro flattery….anong nangyari kay one true love? ala….natabunan ng vanity at ego.

10. everyone deserves a second chance….

11. and more chances

12. magbabago ng kusa ang tao…depende kung magiging mas maayos siya o mas malala.

13. kung insecure ka sa sarili mo…..kailangan mo lang ng isang malakas na batok. yun lang kulang sayo.

14. kung wala kang pera……..wala rin ako.

15. wag ka nga pala makipag-away forever sa buhay dahil di ka mananalo sa huli… expert sa pang-aaway ang buhay, labanan mo lang sa umpisa pang-aasar niya…pag nagawa mo yun, siya na ang pinakamatalik mong kaibigan…at di ka magsisisi….di ka na niya bubwisitin.

16. bakit ko sinasabi ang mga bagay na to?

17. dahil umikot na ang roleta……

18. hindi jackpot, pero ayos na. 🙂